Maine Mendoza answers hate tweets calling her 'pangit, chaka, mukhang katulong'

Posted by


Got bashers? Maine Mendoza deals with her hate tweets head-on. 'Ano ba 'yan! Nakakainis na, ha! Paulit-ulit na lang. Wala na bang bago? Wala na ba? Boring na, e,' says Maine in her Snapchat video last night, February 2. MORE HATE TWEETS.




 Si Maine ang kalahati ng phenomenal love team na AlDub (Alden Richards at Yaya Dub) mula sa sikat na 'Kalyeserye' segment ng Kapuso noontime show Eat Bulaga! Matatandaang unang nakilala si Maine sa social media dahil sa kanyang Dubsmash videos, kung saan sadyang eksaherado ang kanyang kilos at paggaya sa kung sinu-sinong personalidad. Ilan pang bashers ang lumait sa pisikal na hitsura ni Maine, partikular na ang bibig ng actress-TV host. Patuloy na pagbabasa ni Maine ng hate messages: “May ilalaki pa ba yung bunganga mo?” Pagkatapos ay sadyang iminuwestra ni Maine kung paano palakihin ang kanyang bibig at saka sinabing, “Meron pa ba? Wala na yata. Todo na yata.” Pangungutya ulit ng isang basher: “Mukha kang katulong ni Alden. Bakit hindi ka na lang mag-yaya? Bagay naman sa 'yo.” Sagot ni Maine: “Alam mo, iniisip ko rin talaga yun, e. Puwede!” Base sa mga sumunod na kataga ni Maine, malinaw na hindi na bago sa kanya ang makatanggap ng pangungutya at mga negatibong mensahe sa kanyang social media accounts. Ani Maine, “Ano ba 'yan! Nakakainis na, ha! Paulit-ulit na lang. “Wala na bang bago? Wala na ba? Boring na, e.





FUNNY GOOD NIGHT MESSAGE. Sa huli, muling ipinamalas ni Maine ang kanyang likas na kakulitan nang magpaalam siya sa kanyang Snapchat followers sa pamamagitan ng isang pampa-good vibes na video. Pagkatapos niyang ihayag na oras nang matulog, inihayag ni Maine ang isang mensahe ng basher na nagsasabing “Huwag ka na mag-beauty rest. Wala ka namang beauty.” Pakuwelang sumang-ayon pa si Maine sa kanyang basher: “Sabi ko nga hindi na ako matutulog. Hanggang mamaya na ako dilat, o!” Umaktong puyat at dilat ang mata ni Maine at saka biglang ginulat ang kanyang Snapchat followers


Click Next > for more



FOLLOW and JOIN to Get Update!

Social Media Widget SM Widgets




Demo Blog NJW V2 Updated at: 8:49 PM